Mahirap Magmahal ng Tunay
Mahirap talaga magmahal ng tunay,
May takot na baka siya'y mawala.
Kung ikaw nama'y maghihintay,
May duda kung siya'y mapa-iibig mo.
Minsa'y napapaisip,
May pagbabago ba?
Minsa'y nagtatanong,
Ako ba'y iyong nilalayuan?
Nagawa ko nang minsa'y maghintay,
Subalit ako lamang ay nasaktan.
Ngayon ako'y natatakot na,
Gustong sumuko para hindi masaktan.
Ngunit ang puso'y sumisigaw:
Mahal kita sinta, iniibig ka nang lubos.
Hindi ko kakayanin,
Kung ika'y hindi makakapiling.
Ikaw ay aking hihintayin,
Kahit na maaaring masaktan muli.
Aking hahayaan panahon ang magpatunay,
Ng aking pag-ibig sa iyo, o aking sinta.
Mahirap kung alam mo lamang,
Masakit kung madarama mo rin.
Nandito lang ako, o aking sinta,
Nagdarasal nang taimtim na ako'y mahalin mo rin.
Cover image: 〈Love Lock Background〉 by Circe Denyer, dedicated to the Public Domain under CC0 1.0 Universal.
〈Mahirap Magmahal ng Tunay〉 © 2011, 2026 Yohan Yukiya Sese Cuneta (ISNI | ORCID iD).
License: Creative Commons Attribution-ShareAlike 4.0 International (CC-BY-SA-4.0), except where noted.
Publication history:
- 2011-02-16: FictionPress
- 2026-09-11: Wattpad
- 2026-09-26: ATmosphere network
Did you enjoy this article?
Recommend it — Standard Reader surfaces well-loved writing to more readers across the network.